Colonial Mentality

Uso ang kolonyal na kaisipan dito sa Pilipinas. Ito ay bunga ng pagsasakop ng iba’t ibang bansa sa atin, gaya ng Japan, Estados Unidos, at Espanya.

Dito pa lamang sa Ateneo, kitang kita na ang pagkakolonyal mentalidad. Halatang ipinapabor natin ang pagbibili ng mga produktong imported.

Screen Shot 2013-03-02 at 1.09.33 AM

Ang mga tao sa larawan ay simbolo ng mga tipikong Atenista, nakasuot ng mga Nike na sapatos, Wrangler na pantalon, at may dalang Apple na kompyuter.

 

Screen Shot 2013-03-01 at 8.44.35 PM

Lahat na mga stalls sa JSEC ay Ingles ang pangalan. Wala kahit isa ang nasa wikang Filipino.

 

Bakit ba natin itinatangkilik ang mga produkto galing sa ibang bansa kung meron naman tayong sariling atin?

1. Madaling masira

Ang MyPhone ang pangunahing tatak ng cellphone na gawang Pinas. Kahit na masmura ‘to, karamihan pa rin sa atin ang ayaw nito at pinipiling gumamit ng iba. Sabi raw kasi, madali itong masira.

Screen Shot 2013-03-01 at 10.11.51 PM

2. Hindi kilala

Wala akong kilalang tao na gumagamit ng Hapee toothpaste, puro Colgate lang at Closeup. Isa sa mga dahilan kung bakit ako mismo ay hindi gumagamit nito ay dahil hindi ito kilalang tatak ng toothpaste.

Screen Shot 2013-03-01 at 10.12.16 PM

3. Hindi uso or “in”

Noong nasa elementarya pa lamang ako, karamihan sa aking mga kamag-aral ay sumusuot ng damit galing sa Bench at Penshoppe. Pero habang tumatandana kami, unti-unting pinapalitan ang mga ito ng mga may imported na tatak, kagaya ng Uniqlo at Forever21. Kung makikita kang sumusuot ng Bench o Penshoppe ngayon, naku… tatawagin kang pramdi.

Screen Shot 2013-03-01 at 10.28.39 PM

 

Sa tinggin ko, hindi masama ang pagkakaroon ng kolonyal na mentalidad sa tamang aspeto. Ito ay isa sa mga susi para maging masmaunlad ang ating bansa. Ito ang mangyayari kung wala tayong kolonyal na mentalidad:

1. Kung hindi tayo sumunod sa teknolohiya ng ibang bansa, mahirapan tayo sa transportasyon. Matagalan tayo bago makarating sa isang lugar. Ang mapipilihan lang natin ay trisikad, kalesa, o paglakad.

Screen Shot 2013-03-01 at 10.12.47 PM

2. Ito naman ang mangyari kung sundin natin ang tradisyonal na mga kasuotan ng ating bansa. Siguradong mahihiya kang suotin ito sa mga normal na araw. Sigurado rin na pagtatawanan tayo ng mga dayuhan.

Screen Shot 2013-03-01 at 10.13.09 PM

3. Sa ngayong panahon, sino ba ang mabubuhay rito? Maliit na, at wala pang kuryente. Ito ang tinatawag na bahay kubo.

Screen Shot 2013-03-01 at 10.34.11 PM

 

Hindi masama ang pagkaroon ng kolonyal na mentalidad. Kaya lang nasobrahan na ata tayong ma Pinoy. Hindi tayo kontento sa panggagaya ng mga gamit ng mga dayuhan, kundi hangga’t ang kanilang wika, kulay at mukha ay gusto rin natin sundin.

1. Dito sa Ateneo o kahit sa paaralan ko noong hayskul, napansin ko na Ingles ang ginagamit na wika sa pagtatalakay, maliban na lamang sa asignaturang Filipino. Isa pang patunay ay ang pagpapabor natin sa panonood ng pelikulang gawa sa Hollywood kaysa sa local. Pero bakit? Diba dapat unahin nating piliin ang pelikulang Filipino kasi mas maunawaan natin ‘to.

Screen Shot 2013-03-01 at 10.36.31 PM

2. Ang mga Pilipino ay rasista, lalo na ang mga babae. Malaki ang demanda ng mga whitening cream dito sa ating bansa, kasi iniisip natin na maganda ang may maputing balat at pangit ang kayumanggi.

Screen Shot 2013-03-01 at 10.13.56 PM

3. Ang entertainment industry dito sa Pinas ay puno ng mga artistang mestizo at mestiza. Kaunti lang ang mga tanyag na artistang mukhang Pinoy talaga. Kagaya ni Anne Curtis, halatang mas pinapabor siya ng mga manonood kaysa kay Melai Contiveros.

Screen Shot 2013-03-01 at 10.40.33 PM

_________________________________________________________________________________________

Sanggunian:

“Hapee toothpaste.” n.d. Photograph. neda. Web. 22 Feb. 2013. <http://www.neda.gov.ph/n-online/marketview.asp?Visitorsid=230&gt;

“Myphone m97 resimleri.” n.d. Photograph. bilgex. Web. 22 Feb. 2013. <http://www.bilgex.com/myphone-m97-ozellikleri-incelemesi-resimleri/myphone-m97-resimleri-2/&gt;

“Trisikad ride.” n.d. Photograph. fineartamerica. Web. 22 Feb. 2013. <http://fineartamerica.com/featured/trisikad-ride-ross-throndson.html&gt;

“Kalesa.” n.d. Photograph. flickr. Web. 22 Feb. 2013. <http://www.flickr.com/photos/alexulanday/2746245760/&gt;

“Grand falls newfoundland.” n.d. Photograph. vintagepostcards. Web. 22 Feb. 2013. <http://www.vintagepostcards.org/grand-falls-newfoundland-simwestco-philippines-filipino-p-4776.html&gt;

“Tiklos.” n.d. Photograph. romantische-ideen. Web. 22 Feb. 2013. <http://romantische-ideen.net/wp-content/uploads/2011/philippine-traditional-costumes>

“Bahay kubo.” Photograph. wordpress. Web. 22 Feb. 2013. <http://martinsazon.wordpress.com/2011/08/18/thedes2-do-you-think-that-there-is-such-thing-as-filipino-architecture/&gt;

“Penshoppe.” n.d. Photograph. jmthebest. Web. 22 Feb. 2013. <http://www.jmthebest.com/philippine-fashion-week-2012-tickets/&gt;

“Forever 21.” n.d. Photograph. sheimagazine. Web. 22 Feb. 2013. <http://www.sheimagazine.com/2011/02/ethical-or-cheap-the-problem-with-forever-21-and-modern-shopping/&gt;

“Harry potter.” n.d. Photograph. fanpop. Web. 22 Feb. 2013. <http://www.fanpop.com/clubs/harry-potter/images/32990476/title/hp-characters-wallpaper&gt;

“Enteng.” n.d. Photograph. blogspot. Web. 22 Feb. 2013. <http://pinoyoldmovies.blogspot.com/2013/01/si-agimat-at-si-enteng-kabisote.html&gt;

“Nivea whitening.” n.d. Photograph. watsons. Web. 22 Feb. 2013. <http://www.watsons.com.my/webmy/ArticleDetail2.do?articleId=5432&gt;

“Anne curtis.” n.d. Photograph. interaksyon. Web. 22 Feb. 2013. <http://www.interaksyon.com/interaktv/anne-curtis-is-san-mig-coffees-muse-for-pba-opening-ceremonies&gt;

“Past pbb winner.” n.d. Photograph. showbiz-portal. Web. 22 Feb. 2013. <http://www.showbiz-portal.com/2012/06/past-pbb-winnder-melai-cantiveros-shows.html&gt;

Advertisements

Nakaaabalang Tawag

Lahat nang mga magulang itinuturi ang mga anak bilang anghel. Akala nila na inosente pa rin ang mga ito kahit teenager na. Ang nasa isip nila ay isa pa ring maliit at cute na bata.

Sa isip ng magulang…

Sa totoo…

teen party

Gaya nakin, labimpitong taong gulang na ako ngayon at binebeybi pa rin. Noong nakapasa ako sa ACET, hindi ko inakala na papayagan ako dito sa Maynila mag-aral ng kohehiyo. Ang tuwang-tuwa ko noong binigyan ako ng permiso na manirahan dito nang mag-isa. Kaya lang, halos bawat araw ako tinatawagan ng nanay ko. Ganito palagi ang aming pag-uusap sa cell phone.

Nanay: Hello?

Ako: Ano? Bakit kang tumawag?

Nanay: Gusto lang kitang kamustahin anak.

Ako: Okey naman ako ah. May iba ka pa bang sasabihin?

Nanay: Kumain ka na ba ng hapunan?

Ako: Oo. Tapos na.

Nanay: Eh, anong kinain mo?

Ako: Gulay at isda po.

Pero sa totoo…

Nanay: Very good anak!

Ako: Mauna na po ako. Kailangan ko pa kasing mag-aral para bukas.

(Ang totoong nangyayari kapag nag-aaral ang isang estudyante)

Rage comics 325 yao ming

Nanay: O, sige anak. Huwag mong kalimutan magdasal bagong magtulog.

Ako: Opo. Bye.

Nanay: Goodnight baby, I love you.

Ako: (Seryoso, baby?)

Ako: Night.

Huwag akong pagkamalan, mahal ko ang aking mga magulang, lalo na ang nanay ko. Ikinatutuwa ko na humahanap siya ng oras bawat araw para kausapin at kamustahin ang kalagayan ko, pero nakaiinis ang paulit-ulit naming pag-uusap tuwing gabi. Wala naman itong mapupuntahan, gastos pa sa load.

__________________________________________________________________________

Sanggunian:

“Easy kids birthday recipes.” 20 May. 2009. Photograph. sheknow. Web. 4 Feb. 2013. <http://www.sheknows.com/holidays-and-seasons/articles/809164/easy-kids-birthday-party-recipes&gt;

“La Cañada Parents and Officials Gather in Forum on Teen Partying.” 29 Apr. 2011. Photograph. drugfreehomes. Web. 4 Feb. 2013. <http://www.drugfreehomes.org/2011/04/la-canada-parents-and-officials-gather-in-forum-on-teen-partying.html&gt;

“Studies DEpict Junk Food Addiction As Real As Drug Addiction.” 4 Nov. 2011. Photograph. fooyoh. Web. 4 Feb. 2013. <http://channelfit.fooyoh.com/fitness_health/6698990&gt;

“#325 Really studying for a test.” 17 Sep. 2012. Photograph. me-gusta-memes. Web. 4 Feb. 2013. <http://en.me-gusta-memes.com/rage-comics-325-yao-ming/&gt;

“‘ReUnion is not a pushover bar, I am sorry for the rumors that spread, it is 21+ see you all there, enjoy.’.” n.d. Photograph. businessinsider. Web. 4 Feb. 2013. <http://www.businessinsider.com/infamous-wall-street-quotes-2012-8?op=1&gt;