Colonial Mentality

Uso ang kolonyal na kaisipan dito sa Pilipinas. Ito ay bunga ng pagsasakop ng iba’t ibang bansa sa atin, gaya ng Japan, Estados Unidos, at Espanya.

Dito pa lamang sa Ateneo, kitang kita na ang pagkakolonyal mentalidad. Halatang ipinapabor natin ang pagbibili ng mga produktong imported.

Screen Shot 2013-03-02 at 1.09.33 AM

Ang mga tao sa larawan ay simbolo ng mga tipikong Atenista, nakasuot ng mga Nike na sapatos, Wrangler na pantalon, at may dalang Apple na kompyuter.

 

Screen Shot 2013-03-01 at 8.44.35 PM

Lahat na mga stalls sa JSEC ay Ingles ang pangalan. Wala kahit isa ang nasa wikang Filipino.

 

Bakit ba natin itinatangkilik ang mga produkto galing sa ibang bansa kung meron naman tayong sariling atin?

1. Madaling masira

Ang MyPhone ang pangunahing tatak ng cellphone na gawang Pinas. Kahit na masmura ‘to, karamihan pa rin sa atin ang ayaw nito at pinipiling gumamit ng iba. Sabi raw kasi, madali itong masira.

Screen Shot 2013-03-01 at 10.11.51 PM

2. Hindi kilala

Wala akong kilalang tao na gumagamit ng Hapee toothpaste, puro Colgate lang at Closeup. Isa sa mga dahilan kung bakit ako mismo ay hindi gumagamit nito ay dahil hindi ito kilalang tatak ng toothpaste.

Screen Shot 2013-03-01 at 10.12.16 PM

3. Hindi uso or “in”

Noong nasa elementarya pa lamang ako, karamihan sa aking mga kamag-aral ay sumusuot ng damit galing sa Bench at Penshoppe. Pero habang tumatandana kami, unti-unting pinapalitan ang mga ito ng mga may imported na tatak, kagaya ng Uniqlo at Forever21. Kung makikita kang sumusuot ng Bench o Penshoppe ngayon, naku… tatawagin kang pramdi.

Screen Shot 2013-03-01 at 10.28.39 PM

 

Sa tinggin ko, hindi masama ang pagkakaroon ng kolonyal na mentalidad sa tamang aspeto. Ito ay isa sa mga susi para maging masmaunlad ang ating bansa. Ito ang mangyayari kung wala tayong kolonyal na mentalidad:

1. Kung hindi tayo sumunod sa teknolohiya ng ibang bansa, mahirapan tayo sa transportasyon. Matagalan tayo bago makarating sa isang lugar. Ang mapipilihan lang natin ay trisikad, kalesa, o paglakad.

Screen Shot 2013-03-01 at 10.12.47 PM

2. Ito naman ang mangyari kung sundin natin ang tradisyonal na mga kasuotan ng ating bansa. Siguradong mahihiya kang suotin ito sa mga normal na araw. Sigurado rin na pagtatawanan tayo ng mga dayuhan.

Screen Shot 2013-03-01 at 10.13.09 PM

3. Sa ngayong panahon, sino ba ang mabubuhay rito? Maliit na, at wala pang kuryente. Ito ang tinatawag na bahay kubo.

Screen Shot 2013-03-01 at 10.34.11 PM

 

Hindi masama ang pagkaroon ng kolonyal na mentalidad. Kaya lang nasobrahan na ata tayong ma Pinoy. Hindi tayo kontento sa panggagaya ng mga gamit ng mga dayuhan, kundi hangga’t ang kanilang wika, kulay at mukha ay gusto rin natin sundin.

1. Dito sa Ateneo o kahit sa paaralan ko noong hayskul, napansin ko na Ingles ang ginagamit na wika sa pagtatalakay, maliban na lamang sa asignaturang Filipino. Isa pang patunay ay ang pagpapabor natin sa panonood ng pelikulang gawa sa Hollywood kaysa sa local. Pero bakit? Diba dapat unahin nating piliin ang pelikulang Filipino kasi mas maunawaan natin ‘to.

Screen Shot 2013-03-01 at 10.36.31 PM

2. Ang mga Pilipino ay rasista, lalo na ang mga babae. Malaki ang demanda ng mga whitening cream dito sa ating bansa, kasi iniisip natin na maganda ang may maputing balat at pangit ang kayumanggi.

Screen Shot 2013-03-01 at 10.13.56 PM

3. Ang entertainment industry dito sa Pinas ay puno ng mga artistang mestizo at mestiza. Kaunti lang ang mga tanyag na artistang mukhang Pinoy talaga. Kagaya ni Anne Curtis, halatang mas pinapabor siya ng mga manonood kaysa kay Melai Contiveros.

Screen Shot 2013-03-01 at 10.40.33 PM

_________________________________________________________________________________________

Sanggunian:

“Hapee toothpaste.” n.d. Photograph. neda. Web. 22 Feb. 2013. <http://www.neda.gov.ph/n-online/marketview.asp?Visitorsid=230&gt;

“Myphone m97 resimleri.” n.d. Photograph. bilgex. Web. 22 Feb. 2013. <http://www.bilgex.com/myphone-m97-ozellikleri-incelemesi-resimleri/myphone-m97-resimleri-2/&gt;

“Trisikad ride.” n.d. Photograph. fineartamerica. Web. 22 Feb. 2013. <http://fineartamerica.com/featured/trisikad-ride-ross-throndson.html&gt;

“Kalesa.” n.d. Photograph. flickr. Web. 22 Feb. 2013. <http://www.flickr.com/photos/alexulanday/2746245760/&gt;

“Grand falls newfoundland.” n.d. Photograph. vintagepostcards. Web. 22 Feb. 2013. <http://www.vintagepostcards.org/grand-falls-newfoundland-simwestco-philippines-filipino-p-4776.html&gt;

“Tiklos.” n.d. Photograph. romantische-ideen. Web. 22 Feb. 2013. <http://romantische-ideen.net/wp-content/uploads/2011/philippine-traditional-costumes>

“Bahay kubo.” Photograph. wordpress. Web. 22 Feb. 2013. <http://martinsazon.wordpress.com/2011/08/18/thedes2-do-you-think-that-there-is-such-thing-as-filipino-architecture/&gt;

“Penshoppe.” n.d. Photograph. jmthebest. Web. 22 Feb. 2013. <http://www.jmthebest.com/philippine-fashion-week-2012-tickets/&gt;

“Forever 21.” n.d. Photograph. sheimagazine. Web. 22 Feb. 2013. <http://www.sheimagazine.com/2011/02/ethical-or-cheap-the-problem-with-forever-21-and-modern-shopping/&gt;

“Harry potter.” n.d. Photograph. fanpop. Web. 22 Feb. 2013. <http://www.fanpop.com/clubs/harry-potter/images/32990476/title/hp-characters-wallpaper&gt;

“Enteng.” n.d. Photograph. blogspot. Web. 22 Feb. 2013. <http://pinoyoldmovies.blogspot.com/2013/01/si-agimat-at-si-enteng-kabisote.html&gt;

“Nivea whitening.” n.d. Photograph. watsons. Web. 22 Feb. 2013. <http://www.watsons.com.my/webmy/ArticleDetail2.do?articleId=5432&gt;

“Anne curtis.” n.d. Photograph. interaksyon. Web. 22 Feb. 2013. <http://www.interaksyon.com/interaktv/anne-curtis-is-san-mig-coffees-muse-for-pba-opening-ceremonies&gt;

“Past pbb winner.” n.d. Photograph. showbiz-portal. Web. 22 Feb. 2013. <http://www.showbiz-portal.com/2012/06/past-pbb-winnder-melai-cantiveros-shows.html&gt;

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s