Ako si _____ .

Photo on 3-14-13 at 6.45 PM

Sino ba ako? Sino nga ba si Pauline Yu?

Ito ang mga sagot ng mga kamag-aral ko noon:

Noong nasa elementarya ako, itim ang paboritong kulay ko kaya iyan palagi ang sinusuot ko. Dumating nga ang panahon na tinawag nila akong “emo.” Bukod daw sa pagsusuot ng kulay itim, masyadong emosyonal din daw ako sa mga maliliit na bScreen Shot 2013-03-18 at 8.28.07 AMagay. Tama naman sila. Inaamin ko na medyo emo ako, pero medyo lang. Hindi naman ako umabot sa stage na naglalaslas ng aking braso. Sa paggawa ng tulang ito, pinagbibigyan ko nang lumabas ang aking pagkaemo.

Noong nasa hayskul ako, iba naman ang tawag sa akin. Mula sa emo, naging nerd ako. Siguro dahil ito sa sobrang tutok ko sa pag-aaral na hindi na ako sumasama sa aking mga kaibigan tuwing lumabas sila. Sobrang seryoso rin ako noon, hindi ngumingiti at palaging nakasimangot.

Ako ay isang multo.

Ako ay isang bata,

Na di-alam ang gusto.

Ngunit di ‘to halata,

Dahil isa ‘kong multo.

Di man akong makita,

Pero ako’y nandito.

Screen Shot 2013-03-15 at 11.19.26 PMScreen Shot 2013-03-18 at 8.28.07 AM

Ako ay pangit

Ako ay isang pangit,

na luma pa ang damit.

p’ro ‘to pa rin ang gamit,

Kasi walang pamalit.

Screen Shot 2013-03-15 at 11.26.53 PM

Ako ay palasimangot.

Screen Shot 2013-03-18 at 8.40.50 AM

Kilala man ako ng ibang tao bilang emo, nerd o pala-simangot, pero ano ng ba ang tingin ko sa aking sarili? Wala. Hindi ko alam. Hindi ko kilala ang aking sarili.

Hindi ko alam kung ano ang hinahangad ko sa buhay. Parang isa akong bulag na kahit anong daan lang ang pipiliin. Kagaya ng pagpili ko kung saan ako magkokolehiyo, at kung anong kurso ang aking kunin. Palipatlipat ang aking desisyon, hanggang sa huli, napadpad ako dito sa Ateneo at nag-aaral ng BS ME.

At higit sa lahat, ako ay isang paruparo na palipatlipat ang ulo.

a

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s